TAAS SINGIL | Mga oil company, isa-isa nang nag-aanunsyo ng dagdag-presyo ng langis

Manila, Philippines – Nag-anunsyo na ng dagdag-presyo sa mga oil product
ang ilang kumpanya ng langis.

Epektibo alas sais ng umaga bukas, magpapatupad ng P0.40 na price hike sa
kada litro ng diesel ang Shell, Eastern Petroleum, Phoenix Petroleum, PTT
Philippines, Seaoil at Flying V.

Habang may bawas na P0.55 naman sa kada litro ng kerosene ang Shell.


Wala namang paggalaw sa presyo ng gasolina.

<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments