HULI | Isang menor de edad, inireklamo ng panggagahasa, timbog

Manila, Philippines – Arestado ang isang 16-anyos na lalaki matapos
ireklamo ng panggagahasa ng 15-anyos na dalagita na nangyari umano sa
ilalim ng Edsa-Ortigas flyover.

Kwento ng biktima, nagpasama lang siya sa suspek na hindi niya kilala para
hanapin ang kaniyang kaibigan.

Pero nang magawi sa madilim na bahagi ng kalsada, puwersahan daw siyang
hinila ng suspek sa ilalim sa flyover at doon pinagsamantalahan.


Aniya, nanlaban pa siya pero binantaang babagsakan ng bato.

Nang makawala, kaagad siyang tumakbo at nagsumbong sa mga pulis.

Agad namang naaresto ang suspek pero dahil menor de edad, isinailalim muna
siya sa pangangalaga ng DSWD.

<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments