TAAS SINGIL | Multa sa mga lalabag sa yellow lane policy ng MMDA, tinaasan

Tinaasan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang multa sa mga lalabag sa yellow lane.

Ayon kay MMDA Spokesperson Assistant Secretary Celine Pialago ang mga pribagong sasakyan na dadaan sa yellow lane ay magmumulta na ngayon ng P500 mula sa dating P200.

Habang ang mga bus naman na hindi dadaan o gagamit ng bus lane ay magmumulta na ng P1,000.


Paparahin ang mga ito ng mga nakaposteng traffic enforcers sa kahabaan ng EDSA at bibigyan ng citation ticket.

Ang mga hindi mapaparang motorista ay hindi pa rin ligtas dahil umiiral pa rin ang “no contact apprehension policy” kung saan makikita pa rin ang mga violators sa mga high definition CCTV cameras ng MMDA na nakakalat sa ibat-ibang strategic areas sa EDSA.

Facebook Comments