TAAS-SINGIL | Presyo ng isda at gulay, tumaas dahil sa patuloy na pag-ulan

Manila, Philippines – Dahil sa pag-ulan, nagtaas na ang presyo ng gulay at isda sa pamilihan.

Sa monitoring ng DZXL RMN Manila – hanggang P40 ang itinaas ng presyo ng mga gulay.

Sa Balintawak Market, ang petchay Baguio na dating P40 kada kilo ngayon ay nasa P60 na.


Ang carrots na dating nasa P30 ngayon ay nasa 45-pesos.

Umabot naman sa P60 ang presyo na ngayon ng repolyo na dating P45 na kada kilo lang.

Nasa 20 hanggang P40 naman ang itinaas ng mga isdang salmon, galunggong, tulungan, alumahan at bangus.

Facebook Comments