WARNING | 62 mga barangay sa Metro Manila, nakitaan ng high risk sa landslide

Animnaput dalawang barangay sa Metro Manila ang may taas na posibilidad sa pagguho ng lupa.

Batay sa Mines and Geoscience Bureau (MGB), kabilang ang Barangay Commonwealth sa 62 mga barangay sa Metro Manila na nakitaan ng high risk sa landslide.

Labing isang barangay din sa Marikina City ang tinukoy ng MGB na delikado sa pagguho ng lupa.


Ayon sa MGB, patag ang mga ito pero malapit sa mga daluyan ng tubig.

Bukod dito, marami rin sa mga barangay na ito ang may “very high flooding”.

Facebook Comments