TAAS SINGIL | Presyo ng itlog, magmamahal sa susunod na linggo

Manila, Philippines – Asahan nang taas ang presyo ng wholesale sa itlog susunod na linggo.

Ayon kay Samahan ng Industriya ng Agrikultura (Sinag) Chairperson Rosendo So, tataas ng P50 hanggang P100 ang presyo ng kada tali ng tray o 360 piraso ng itlog.

Ibig sabihin, kung ang P1,500 na presyo ng 360 piraso ng small-sized egg ngayon ay magiging P1,550 na ito sa susunod na linggo.


Taas naman sa P1,700 ang 360 piraso ng medium-sized egg mula P1,600 habang ang large-sized egg na ngayon ay P1,800 kada 360 piraso ay magiging P1,850.

Sabi naman ni Agriculture Secretary Manny Piñol, karaniwang tumataas ang presyo ng itlog dahil sa demand.

Sa kabila nito, tiniyak ni Chito Chavez, Vice President ng Philippine Federation of Bakers’ Association Incorporation na hindi sila magtataas ng presyo ng mga baked products kahit na nagmahal ang presyo ng itlog na pangunahing sangkap sa paggawa ng tinapay.

Facebook Comments