Pinabulaanan ng Central Pangasinan electric cooperative incorporated o CENPELCO ang taas singil sa kuryente sa kabila ng nararanasang pagtaas ng mga bilihin pati na ang produktong petrolyo.
Ayon sa ahensya matagal nang panahon na hindi nagtataas ang kanilang ahensya pagdating sa paniningil ng kuryente.
Dagdag pa nila ang tanging nagtataas lamang daw ay ang generation charge at transmission delivery charge na ang nagpapataw ay ang mismong planta ng kuryente.
Samantala, ipinaliwanag din ng ahensya na hindi totoo ang taas singil sa tuwing nakakaranas ng patay-sinding kuryente, paliwanag nila kapag nagpatay-sindi ito ay hindi naman kaagad na makakaikot ang metro, kundi bibilis lamang ng konti ngunit hindi makakaapekto sa pagtaas ng kuryente. | ifmnews
Facebook Comments