PANGALAWANG INTERNATIONAL FLIGHT MULA SA SOUTH KOREA, LUMAPAG NA SA KALIBO INTERNATIONAL AIRPORT

14
T’WAY Air, Lulan ang 132 passengers lumapag na sa Kalibo International Airport 11:35 kahapon ng umaga. Ito ang pangalawang international airline operator na dumating sa paliparan simula ng buksan ang international flights sa probinsya. Dalawang beses sa isang linggo (INCHEON-KLO) ang biyahe nito at isinusulong na magkaroon ng daily flights umpisa sa July 1, 2022. Binigyan ng ceremonial water cannon salute ang naturang airline sa pagdating ng mga turista kasabay ng pag welcome ng Ati-atihan tribe sa PTB international arrival area. Matandaan na noong June 17 dumating ang unang international flight na Airseoul sa KIA.
Facebook Comments