Taas-singil sa pasahe sa LRT-1, LRT-2 at MRT-3 na ipinatupad noong 2014, idineklarang legal ng Korte Suprema

Idineklarang valid ng Korte Suprema ang taas-singil sa pasahe na ipinatupad ng LRT-1, LRT-2, at MRT-3 noong 2014.

Sa inilabas na desisyon ni Justice Jhosep Lopez, iginiit ng korte na sumunod ang kautusan ng dating Department of Transportation and Communications (DOTC) sa kinakailangang notice at hearing requirements para rito.

Ayon sa Korte Suprema, naglabas ng Notice of Public Consultation ang DOTC noong January 20 at 27 noong 2011 at sinundan ng public consultation noong February 4 at 5 ng taong ding iyon.


Habang noong December 2013 ay naglabas ulit ang ahensya ng public consultation.

Sa kautusan ng DOTC noong 2014, tumaas ng 50 hanggang 87 percent ang pasahe sa tatlong railways kung saan iginiit ng mga petitioners na ang ipinatupad na fare increase ay hindi tumaas sa kaukulang notice at hearing.

Facebook Comments