Bigtime rollback sa LPG at auto-LPG, ipinatupad na ngayong araw

Ipinatupad na ngayong araw ang bigtime rollback sa presyo ng LPG at auto-LPG.

Sa abiso ng Petron at Phoenix, nasa ₱9.20 ang bawas-presyo sa kada kilo ng LPG habang nasa ₱5.14 naman ang maibabawas sa kada litro ng auto-LPG.

Katumbas ito ng ₱101.20 na bawas sa tipikal na 11-kilogram na LPG tank.


Bahagyang mababa naman ang ipatutupad na rollback ng kumpanyang Solane sa kanilang LPG na ₱9.18 kada kilo o higit 100 piso sa kada 11-kilong LPG tank.

Paliwanag ng mga kumpanya ng langis, bunsod ito ng paggalaw sa pandaigdigang merkado.

Epektibo ang price adjustment na ipinatupad ng Petron at Phoenix kaninang madaling araw habang mamayang alas-6:00 ng umaga pa magpapatupad ang Solane.

Facebook Comments