Tabang ng Bangsamoro nakarating na sa Batangas

Nakarating na sa Lipa City sa lalawigan ng Batanggas ang BARMM-READI na naghatid ng tulong sa mga biktima ng pagputok ng bulkang taal na tumulak noong araw ng Martes.
Pinangungunahan ni BARMM Spokesperson at Minister of Local Government ang team na binubuo ng mga miyembro ng Bangsamoro Rapid Emergency Action on Disaster Incidence (BARMM-READI) at ilang ‘Bantay Tulay’ volunteers na dating Moro Islamic Liberation Front (MILF) combatants.

Sa panayam ng DXMY kay Minister Sinarimbo, kararating lamang nila, nakapag-check-in na rin sa operation center ng Lipa City upang malaman ang bilang ng dala nilang relief assistance at upang malaman na rin kung ilan katao ang bumubuo ng kanilang team.

Sinabi pa ni Minister Sinarimbo na sa inisyal na datos nila ay abot sa mahigit 600 Bangsamoro ang nasa Monte Claro na hahatiran rin nila ng relief assistance bagamat aalamin pa nila ang sa iba pang lugar.


Ayon pa sa opisyal dala na nila ang mga hiling na tulong ng mga Bangsamoro sa lugar tulad ng malong at veil.

Ang BARMM-READI ay may dalang 1,500 packs ng relief assistance, ito ay naglalaman ng 10 kilo ng bigas, canned goods, kape, malong, hijab, prayer mats, blue water jug, mga gamot at hygiene kit.

Facebook Comments