Tabang Taal – Naipon na Donations sa RMN DWNX, Hinatid-Inipon na sa Opisina ng Naga City People’s Council sa JMR Coliseum

Inihatid na sa opisina ng Naga City People’s Council sa JMR Coliseum kanina lamang ng RMN DWNX Naga ang mga donasyon ng mga listeners para sa mga survivors ng Taal Volcano eruption sa Batangas.
Ang mga donated goods ay kinabibilangan ng mga damit, pagkaing de-lata at mga kahon-kahong noodles.
Ang mga ito ay natipon sa RMN Broadcast Center na nagsisilbing partner sa Tabang Taal initiative na pinasisimunuan ng Naga City People’s Council at kinabibilangan ng iba’t-ibang grupo at organisasyon sa Naga City at Camarines Sur. Partikular din na naghatid ng kanilang tulong-donasyon ang grupo ng Philippine Eagle’s Federation at iba pang individual na nagpasabing anonymous na lamang daw ang isusulat sa listahan ng mga tumutulong.
Patuloy ang pasalamat ng NCPC at ng RMN DWNX Naga sa mga NX Listeners na kusang nagpaabot ng kani-kanilang tulong para maibsan ang hirap ng mga kababayan natin na nabiktima ng pagputok ng Bulkan Taal ilang lingo na ang nakakalipas.
Para sa mga nais pa pong magbiugay ng kanilang donasyon, tulad ng mga kagamitan, pera, mga sabon, noodles at iba pang maayos na magagamit pa ng mga survivors sa Batangas Taal Volcano eruyption, maari po ninyong dalhin sa RMN Broadcast Center ang inyong tulong.


Facebook Comments