Tacloban airport, balik operasyon na makaraang maialis ang nagka aberyang eroplano ng Air Asia

Manila, Philippines – Balik na sa normal na operasyon ang Tacloban airport bago mag alas onse ngayong umaga.

Sa isang mensahe mula kay Ms Jenny Tan ng Air Asia natanggal na ang nagka aberya nilang eroplano sa runway ng Tacloban airport.

Sa impormasyon mula kay CAAP Spox Eric Apolonio dakong alas 7 ng umaga kanina, nang magka problema ang kalalapag lang na eroplano ng air asia flight Z2320 MLA-Tacloban.


Sinabi ni Apolonio na pagkapihit ng naturang aircraft habang nasa runway 18/36 nakaramdam ng problema ang piloto sa steering wheel

Kung kaya’t nagdesisyon ang piloto na wag nang galawin ang eroplano kaya naiwan ang aircraft sa runway kung saan ito huminto.

Nagresulta ito sa pagka antala ng 2 flights ng Cebu Pacific at nagpalabas pa ng notice to airmen o NOTAM ang Civil Aviation Authority of the Philippines kaninang alas 8 ng umaga.

Ligtas naman ang lahat ng 164 na pasahero ng Air asia.

Kaugnay nito humigingi ng dispensa ang Air asia sa pagka antalang idinulot ng kanilang nabalahaw na eroplano.

Facebook Comments