June Mar Fajardo, posibleng makuha ang Most Valuable Player Award sa ikaapat na sunod na pagkakataon

Sports – Inaasahan na makakamit ni San Miguel Beermen big man June Mar Fajardo ang kaniyang ikaapat na sunod na Most Valuable Player award sa Philippine Basketball Association.

Mamayang gabi na kasi ang awarding ceremony para sa mga top performer ng 42nd season ng liga.

Kung pagbabasehan kasi ang mga statistics, lamang si Fajardo sa kaniyang 38.58 statistical points pagkatapos semifinal round ng Governor’s Cup.


May average na 17.6 points, 11.6 rebounds, 1.6 assists at 1.7 shot blocks kada laro ang Cebuano para pangunahan ang San Miguel sa dalawang titulo ngayon taong.

Naitala ni Fajardo ang record sa consecutive MVP award matapos niyang makuha ang parangal sa nakalipas na tatlong taon.

Facebook Comments