Tacloban Airport temporaryong isinara dahil sa eroplano ng Air Asia

TACLOBAN CITY – Pansamantalang isinara ang Tacloban Airport matapos magkaroon ng problema ang eroplano ng Air Asia flight Z2-321 sa runway kaninang alas 7 :00 ng umaga, Oktobre 20, 2017.

Ayon sa nakuhang impormasyon ng RMN Tacloban, nagkaroon ng technical problem ang eroplanong Airbus A320 nang papalapag na ito.

Tiniyak naman ng Airasia na walang nasaktan sa 164 na pasahero na galing Manila.


Ayon naman sa pamunuan ng DZR Airport, alas 2:00 ng hapon mareresume ang lahat ng flights.

Pagklaro ng Air Asia, walang kinalaman ang masamang panahon sa nangyaring insidente.

Facebook Comments