Tacloban, niyanig ng 6.5 magnitude na lindol

Tacloban City-Niyanig ng 6.5 magnitude na lindol ang Tacloban City kaninang pasado alas-4 ng hapon.

Sa interview ng RMN kay PHIVOLCS Dir. Renato Solidum, sinabi nitong naitala ang epicenter ng lindol sa layong 8 kilometro timog kanluran ng Jaro, Leyte.

Dagdag pa ni Solidum, nagmula ang pagyanig sa pagkilos ng Philippine Fault Zone sa Leyte.


Kaugnay nito, pinaghahanda naman ni Solidum ang mga residente sa apektadong lugar dahil posibleng magkaroon pa ng aftershocks.

Pinawi rin ni Solidum ang pangamba ng publiko sa pagkakaroon ng tsunami, dahil sa lupa naman aniya tumama ang lindol at hindi sa dagat.

Wala naman naitalang mga nasaktan o nasugatan.

Facebook Comments