Xian Gaza, tinawag na ring stalker ng ina ni Ella Cruz

Manila, Philippines – Matapos akusahang scammer, tinawag namang ‘stakler’ ng ina ng aktres na si Ella Cruz ang 24-year old businessman na si Xian Gaza.

Matatandaang naging viral kamakailan ang ginawang billboard ni Xian para imbitahang sa isang coffee date si Erich Gonzales.

Sa isang post sa social media ni Jessica Cruz, minsan na aniyang nag-stalk si Xian sa kanyang anak.


Pero depensa ng negosyante, kinikilala siya ni Ella bilang dating legitimate business partner na nasira nang pumutok ang billboard invitation niya kay Erich.

Alam din aniya ng ina ni Ella kung gaano siya nagpakatanga at minahal ang aktres.

Gayunman, itinanggi ng aktres na naging sila o nanligaw sa kanya si Xian.

Umapela naman si Xian sa ina ni Ella na linisin ang kanyang pangalan sa publiko matapos ang pag-aakusa sa kanyang scammer at stalker.

Facebook Comments