TADECO, ginisa ng husto ni Speaker Alvarez

Manila, Philippines – Nagisa ng husto ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang mga opisyal ng Tagum Agricultural Development Company o TADECO sa isinagawang imbestigasyon ng Kamara sa kasunduan nito sa Bureau of Corrections.

Pinagsabihan ni Alvarez si TADECO President and CEO Anthony Alexander Valoria na maging tapat ito at huwag na silang bolahin.

Giit ng Speaker, ginagamit na lamang ng TADECO na joint venture ang pinasok nitong kontrata sa BUCOR pero ang talagang pakay ng kumpanya ay ang kumita.


Ipinunto ng Speaker, lugi ang gobyerno dahil base na rin sa pag-amin ng TADECO, 1 peso and 80 centavos lamang ang napupunta sa BUCOR sa bawat kahon ng saging na nai-export nito samantalang hanggang 9 dollars ang benta nito kada-kahon sa China market.

DZXL558

Facebook Comments