Tag-init, opisyal nang idineklara mainit na panahon, asahan sa bansa ngayong araw

Opisyal nang idineklara ang tag-init sa bansa.

Ibinase ito sa paglayo ng Northeast Monsoon o Hanging Amihan sa Pilipinas at nagiging dominante na ang Easterlies.

Dahil dito, asahan ang matindi ang init na panahong mararanasan sa bansa dahil sa El Niño.


Maraming lugar sa bansa ang makararanas ng mababang rainfall sa Abril.

Ngayong araw, mainit at maalinsangang panahon ang asahan pa rin sa buong bansa lalo na at umiiral ang ridge o extension ng high pressure area sa silangang bahagi ng Northern Luzon.

Facebook Comments