TAG-ULAN, MALAPIT NA AYON SA PAGASA

Matapos ang ilang araw na pag-uulan sa lungsod ng Dagupan, inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Dagupan na ito ay hudyat na malapit na ang tag-ulan.
Ayon sa PAGASA Dagupan, ang sunod sunod na pag-uulan ay dahil sa south weasterlies surface windflow o ang pag-akyat ng hanging habagat.

Sa ngayon, hindi pa nararating ang 25 mm lebel ng tubig ulan ang pitong pagasa stations sa bansa na siyang basehan ng pagdedeklara ng tag-ulan.

Nagpaalala ang ahensya sa publiko ukol sa localized thunderstorm matapos ang ilang insidente na mayroong tinatamaan ng kidlat sa probinsiya.

Mainam na magpatay ng appliances o gadgets upang maiwasan ang sunog o matamaan ng kidlat. Ipinaalala din ng ahensya na magdala ng panangga sa ulan upang maiwasan ang sakit na maaaring maidulot nito. | ifmnews


Facebook Comments