70% NG MGA BATANG 5-11 SA ILOCOS REGION TARGET MABAKUNAHAN BAGO MATAPOS ANG HUNYO

28
Target na mabakunahan kontra COVID-19 ang 70% ng mga batang edad 5-11 sa Ilocos Region bago matapos ang buwan ng hunyo.
Dahil dito muling humingi ng tulong ang Department of Health Center for Health Development 1 sa mga lokal na pamahalaan at Department of Education na hikayatin ang mga magulang ng nasabing age group na magpabakuna laban sa nakakahawang sakit.
Sa tala ng DOH Region 1 nito lamang may 13, nasa apatnaraan walumpu’t tatlong libo at pitumpu’t isa (483,071) na mga bata ang hindi pa natuturukan ng first dose habang nasa 34% pa lang ang nababakunahan nito sa rehiyon.

Patuloy naman ang pagsasagawa ng simultaneous vaccination ang bawat LGUs sa rehiyon nang maabot ang naturang target. | ifmnews
Facebook Comments