Opisyal nang idineklara ng PAGASA ang panahon ng tag-ulan.
Ayon sa PAGASA – ang mga pag-ulan dulot ng habagat ay senyales ng pagsisimula ng panahon ng tag-ulan.
Pero ayon sa weather bureau, maaari pa ring makaranas ng monsoon breaks o kakulangan ng ulan sa loob ng ilang araw o linggo.
Pinakauulanin naman pagsapit ng Hulyo ang Luzon at Visayas habang generally below normal sa karamihan ng lugar sa Mindanao at Southern Visayas.
Sa kabila nito, patuloy pa ring iiral ang weak El Niño hanggang Agosto.
Facebook Comments