Tag-ulan, opisyal ng idineklara na

Manila, Philippines – Dahil dito, asahan na ang pagdalas ng buhos ng ulan sa ilang bahagi ng bansa dulot ng southwest monsoon o habagat.

Ayon sa PAG-ASA, mas maulan ngayong taon kumpara sa nakaraang dalawang taon, kung kailan nakaranas ang bansa ng El Niño.

19 hanggang 20 bagyo ang inaasahang papasok sa bansa ngayong taon.


Sa ngayon, umiiral ang frontal system na nagdadala ng ulan sa dulong hilagang Luzon partikular sa Ilocos, Batanes at Cagayan

Sa buong Visayas, may paminsan-minsang pag-ulan.

Mataas naman ang tyansa ng ulan sa buong mindanao lalo na sa Bukidnon, Misamis Occidental, Cotabato at Maguindanao dahil sa Inter Tropical Convergence Zone (ITCZ).

Sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon ay magiging maulap na may mahihinang pag-ulan.

Temperatura sa Metro Manila mula 27 hanggang 34 degrees Celsius.

Magiging banayad din ang alon sa alinmang baybayin sa bansa kaya ligtas na makakapaglayag ang mga mangingisda.

*Sunrise: 5:26 ng umaga*
*Sunset: 6:22 ng gabi*
DZXL558

Facebook Comments