Taga-linis ng truck, patay matapos barilin

Tondo – Patay ang isang lalaking taga-linis ng truck matapos barilin sa APEX Compound, Pier Dos, Tondo, Maynila.
Nakilala ang biktima na si Michael Amalio, residente ng isla Putting Bato.
Ayon sa Manila Police District, nag-iinuman ang biktima kasama ang live-in partner na si Veronica Macasinag nang barilin ng isang lalaking naka-sumbrero.
Mabilis na tumakas ang suspek kasama ang dalawang iba pa na nagsisilbing look-out.
Inaalam naman ngayon ang motibo sa krimen lalo na’t mabait ang biktima at wala itong nakaka-away at hindi din nasasangkot sa iligla na droga.

Facebook Comments