Lalaki, arestado matapos mahulihan ng mga hindi lisensiyadong baril

Quezon City – Arestado isang lalaki matapos mahulihan ng iba’t-ibang uri ng hindi lisensiyadong baril sa Quezon City.
Isinagawa ang entrapment operation laban sa suspek na Si Ricahrd Atun Jr. na dating nasa security agency.
Nakuha sa kaniya ang isang shotgun, 9mm, calibre 40 na baril at sari-saring ng bala ang nakuha sa suspek na ikinanta ng isang infromant.
Ibinbenta ng suspek ang mga baril sa pamamagitan ng social media kung saan umamin ito sa krimen pero iginiit na nagawa lamang niya ang pagbebenta dahil sa wala siyang pera.

Facebook Comments