Mariing itinanggi ng kampo ni Vice President Leni Robredo na na-ospital ang pangalawang pangulo sa kanyang hometown sa Naga City.
Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, iginiit ni Atty. Barry Gutierrez, ang tagapagsalita ni Robredo na hindi totoo ang mga kumakalat na balita.
Binanatan din ni Gutierrez ang nagkakalat ng pekeng impormasyon na kahit patungkol na sa personal na trahedya sa pamilya at magpapatuloy pa rin ang mga ito.
Agad na umuwi si Robredo sa kaniyang hometown para dalawin sa ospital ang kanyang inang may sakit na si Salvacion Gerona, 82-anyos.
Ito na ang ikalawang pagkakataong idinala sa ospital ang ina ng bise presidente.
Hindi na binanggit pa kung ano ang sakit ng ina ni Robredo.
Kaugnay nito, nag-post ng larawan si Robredo sa kanyang Facebook account kasama ang kanyang ina na patuloy na gumagaling.
Nagpapasalamat si Robredo sa publiko sa mga dasal para sa kanyang ina.