Tagisan ng mga Barangay Responders on Disaster, Muling Nagharap Para sa Kampeonato!

*Cauayan City, Isabela- *Kasalukuyan pa rin ngayon ang isinasagawang Barangay Responders On Disaster o BROD Challenge sa Brgy. San Luis na kinabibilangan ng mga Brgy. Kagawad, Tanod at mga Sangguniang Kabataan na pagtatagisan ng sampung Barangay dito sa Lungsod ng Cauayan para sa kampeonato.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni City Disaster Risk Reduction and Management Officer at Pinuno ng Rescue 922 Ronald Viloria na magtatagisan ngayong araw, Hulyo 30, 2018 ang mga piling barangay na sakop ng East Tabacal, West Tabacal, Tanap Region, Forest Region at Poblacion area.

Ayon kay ginoong Viloria, maraming tema ang magiging batayan ng mga hurado na may kaugnayan sa tamang kahandaan at pagresponde sa mga kalamidad na dapat magawa ng mga kalahok upang Manalo sa naturang patimpalak.


Makakatanggap naman ng isang Rescue Vehicle at mga kagamitan para sa pagresponde sa mga sakuna na may halagang limampung libong piso.

Facebook Comments