Tagos sa pusong SONA, ihahatid ngayong araw ni Pangulong Duterte

Tatatak sa puso at isipan ng publiko ang huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw.

Ayon kay Presidential Communications and Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar, idedetalye ni Pangulong Duterte ang mga plano at programa ng administrasyon sa huling taon ng kanyang termino.

Ang huling SONA aniya ni Pangulong Duterte ay mag-iiwan ng marka sa lahat.


Sasalamin din ito sa kung paano naging lider si Pangulong Duterte.

Sinabi naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque, titingnan din ang mga nagawa ng administrasyon sa huling limang taon.

Nakatuon aniya ang huling taon ng administrasyon sas pagpapaunlad ng bayad, social programs, infrastructure, peace and security, at foreign policy.

Una nang sinabi ng Malacañang na hindi ilalahad ni Pangulong Duterte sa kanyang SONA ang mga magiging plano niya sa 2022 elections.

Facebook Comments