DOH, umaasang isusulong ni Pangulong Duterte ang pagtatag ng PH Center of Disease Control sa kanyang huling SONA

64

Umaasa ang Department of Health (DOH) na isusulong ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang huling State of the Nation Address (SONA) ang pagtatatag ng Center for Disease Contril (CDC) sa bansa.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, tiwala silang hihikayatin ng Pangulo ang mga mambabatas na aprubahan ang panukala.


Ang pagkakaroon ng CDC ay makakatulong sa pagresponde sa mga posibleng health crisis.

Sinabi ni Vergeire na mai-integrate at mapapagtibay nito ang health system ng bansa lalo na kapag public health emergencies.

Facebook Comments