Cauayan City, Isabela-Nangangamba ngayon ang ilang magsasaka sa lungsod ng Cauayan dahil sa pinangangambahang baka maapektuhan ang kanilang mga pananim na palay at mais ng tagtuyot.
Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay G. Gary Villanueva ng Barangay Gappal, posibleng malaki ang malugi sa kanilang pananim sakaling maapektuhan ang kanilang mga pananim.
Aniya, pagsasaka lamang ang kanilang pangunahing hanapbuhay lalo pa’t nakikisaka lamang siya.
Isa rin sa kanyang pinangangambahan ang pagtaas ng presyo ng fertilizer o pataba maging ang mga kemikal na pamatay insekto na kailangan sa mga pananim.
Giit pa nito, dahil sa kakapusan ng budget ay humahantong sa pangungutang ng abono ang kanilang alternatibong paraan para mapangalagaan ang kanilang mga pananim.
Patuloy naman na umaasa sa gobyerno ang magsasakang tulad ni Villanueva at nagbabakasakaling matulungan na mabawasan ang kanilang problema sa pagsasaka.
Facebook Comments