Taguig City government, may sariling molecular laboratory na kayang magsagawa ng 1,000 RT-PCR test kada araw

Ipinagmalaki ng pamunuan ng Taguig City government na kayang magsagawa ng 1,000 RT-PCR test kada araw sa 35 nitong testing center.

Ayon kay Taguig City Mayor Lino Cayetano, magagawa ng Local Government Unit (LGU) ang 1,000 RT-PCR test dahil mayroong sariling molecular laboratory upang mas mapabilis ang proseso at paglabas ng resulta ng isasagawang pagsusuri.

Paliwanag ng alkalde na bagama’t ang lungsod ang may pinakamaraming aktibong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila na umabot sa halos 2,000, nanatili naman ito na may pinakamababang fatality rate dahil agad naaagapan ang pasyenteng may COVID-19 upang hindi na lumala pa at makahawa ng iba.


Hinikayat naman ni Mayor Cayetano ang lahat ng mga residente, lalong-lalo na ang pasyenteng mayroong close contact sa COVID-19 na agad makipag-ugnayan sa LGU para sumalang sa libreng swab test.

Facebook Comments