Nag-aalok na rin ng home service para sa COVID-19 inoculation ang Lokal na Pamahalaan ng Taguig.
Ayon kay Taguig City Mayor Lino Cayetano, sinimulan nang ipakalat ang mga doktor at nars para sa pagbabakuna ng mga bedridden na residente sa lungsod.
Sa ilalim ng home service vaccination program ng siyudad, ang mga senior citizens at mga may “underlying conditions” o malubhang karamdaman ang target na puntahan sa kanilang mga bahay at mabakunahan ng COVID-19 vaccine.
Sinabi pa ni Cayetano na mahalagang matiyak na may ligtas na lugar na pagbabakunahan ang mga nasa vulnerable sector.
Tulad sa proseso sa on-site vaccination, daraan din sa screening and counseling at post-vaccination monitoring ang mga sasailalim sa home service.
Facebook Comments