Taguig City, may 7 bagong kaso ng COVID-19

Nakapagtala naman ng bagong kaso ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 ang lungsod ng Taguig.

Pitong bagong pasyente ng nasabing virus ang naitala ng City Heath Office o CHO ng lungsod, pasado alas-9:00 kagabi.

Batay sa datos ng CHO, ang mga bagong COVID-19 confirmed cases ay mula sa Brgy. Pinagsama, North Daang Hari, South Daang Hari, Bagumbayan at North Signal, kung saan umabot na ang kabuuang bilang nito ng 252.


Mula sa nasabing bilang, 16 dito ay nasawi at 28 naman ang mga gumaling na sa sakit na dulot ng virus.

Ang Barangay Fort Bonifacio pa rin ang may pinakamaraming confirmed cases ng COVID-19 sa lahat ng Barangay ng Taguig, kung saan meron itong 49 na pasyente ng positibo sa virus.

Facebook Comments