Nakapagtala ang lungsod ng Taguig kahapon pasado alas 9:00 ng gabi ng labinlimang (15) bagong kaso ng Coronavirus Diseases 2019 (COVID-19).
Batay sa tala ng City Health Department (CHD), ang mga bagong kaso ng virus ay mula sa Barangay Calzada, Ibayo, Lower Bicutan, Pinagsama, Tanyag, Upper Bicutan, Wawa at Western Bicutan.
Dahil dito, umabot na sa 484 ang kabuuang bilang ng confirmed cases sa Taguig City kung saan 21 rito ang nasawi at 112 ang mga gumaling.
Simula noong January 27 hanggang June 9, 2020, mayroon ng 1,682 na suspected COVID-19 cases ang lungsod.
Tiniyak naman ni Taguig City Mayor Lino Cayetano na ang lokal na pamahalaan ay patuloy na mapoprotektahan ang kanilang lungsod at mga residente nito laban sa banta ng COVID-19.
Facebook Comments