Taguig City, may bagong 31 na kaso ng COVID-19

28

Muling nakapagtala ang Taguig City Epidemiology Disease and Surveillance Unit (CEDSU) ng 31 na bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na 24 oras.

Dahilan para sumampa ang kabuuang bilang nito sa 11,425.


Mula sa nasabing bilang, 11,180 nito ay bilang ng mga mga gumaling na sa naturang sakit matapos naman makapagtala ng 32 new recoveries.

Nananatili sa 179 ang bilang ng nasawi sa lungsod ngayon araw na dulot ng virus.

Habang ang 66 naman na bilang ay ang bilang ng active cases sa lungsod.

Sa kabila na ginawang mga hakbang ng pamahalaang lungsod, halos araw araw pa rin ang naitatalang mga bagong kaso ng COVID-19 sa Taguig, base sa record ng CEDSU.




Facebook Comments