Taguig City Mayor Lani Cayetano, siniguro sa ’embo’ barangays na tutugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral sa kanilang mga lugar

Tiniyak ni Taguig City Mayor Lani Cayetano sa mga magulang at mag-aaral ng Embo Barangays na gagawin nito ang kanyang makakaya upang maibigay ang mga pangangailangan ng mga mag-aaral sa kanilang lugar.

Ayon kay Taguig City Mayor Lani Cayetano, sa pag-iikot sa ilang paaralan kabilang na ang Makati City Science National High School na sa pag-uumpisa ng Brigada Eskwela, ang kanyang pangako na makikipag unayan siya sa Department of Education (DepEd) para sa pa pangailangan ng mga mag-aaral.

Binigyang diin din nito na, mahalaga ang pagkakaisa kasama ang mga magulang guro at principal katuwang ang DepEd, dahil mga estudyante na umano ang pinag-uusapan dito at ang kanilang kinabukasan.


Samantala, bukod sa school kits na ipapamahagi ng Taguig City ay kabilang din ang school uniforms sa ibibigay ng Taguig City LGU ngunit kanilang aalimin pa ang bawat sukat ng mga uniporme ng mga mag-aaral.

Facebook Comments