Naglabas ng dagdag na pondo ang lokal na pamahalaan ng Taguig para sa kanilang COVID-19 aid.
Aabot sa P14 million ang inilabas ng Taguig para sa 28 barangays ngayong may pandemya.
Ayon kay Taguig Mayor Lino Cayetano, available na para sa mga barangay ang tig-P500,000 na second tranche ng COVID aid.
Ang pondong ito ay gagamitin ng mga barangay para pambili ng personal protective equipment (PPE), disinfection equipment, gamot at vitamins, food supplies, medical equipment at iba pang COVID-19 related procurement.
Nauna nang naibigay ng lungsod ang first tranche ng COVID aid sa mga barangay na tig P500,000 din noon pang buwan ng Marso.
Facebook Comments