Taguig City, nananatiling kabilang sa mga lugar sa Metro Manila na may mababang kaso ng COVID-19

Iniulat ng Taguig City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CEDSU) na ang Taguig ang isa sa mga may pinakamababang aktibong kaso ng COVID-19 sa buong National Capital Region (NCR).

Mula noong January 27 hanggang November 8, 2020, ang nasabing lungsod ay nakapagtala ng 8,908 na mga kaso ng COVID-19, 63 ang binawian ng buhay, habang 8,773 ang kabuuang bilang ng mga gumaling.

Sa pinakahuling datos ay nakapagtala ng 30 bagong kaso, 11 ang bagong bilang ng mga gumaling, habang nasa 70 naman ang kasalukuyang bilang ng mga aktibong kaso o 0.79% sa Taguig.


Ang Taguig din ang may pinakamababang bilang ng active cases sa bawat 100,000 na populasyon sa buong NCR, na umaabot lamang sa 7 active case.

Bukod dito, mataas ang rate ng recoveries ng mga kaso sa lungsod na may 98.48% kumpara sa 94.75% ng NCR.

Habang 0.73% naman ang rate ng mga kaso ng mga namatay sa COVID-19 na higit na mababa sa 2.92% ng buong Metro Manila.

Sa mga naitalang mga aktibong kaso ng lungsod, 90% ang asymptomatic at 10% naman ang mild cases.

12 sa bawat 100 o 1 sa bawat 8 COVID-19 beds sa mga lokal na ospital sa Taguig ay bakante.

Ipinapakita rin sa case map ang kasalukuyang bilang ng mga aktibong kaso sa bawat barangay kung saan mayroon din silang kumpletong tala ng mga kaso.

Facebook Comments