Magsasagawa na rin ng profiling ang Taguig City Local Government Unit (LGU) sa mga estudyante.
Pinayuhan ng LGU ang mga magulang na ipa-rehistro ang kanilang mga anak na nasa edad 12 hanggang 17 sa Taguig Registry for Assessment and Citizen Engagements o TRACE upang makatanggap ng bakuna kontra COVID-19 sa sandaling available na ang vaccine sa naturang age group.
Malaki ang benepisyo ng rehistrado sa TRACE dahil mapapadali na ang pag-access sa mga serbisyo at programa ng LGU partikular sa health at socio-economic benefits.
Para sa mga residente ng Taguig na may anak, i-upload lang ang ID o dokumento na nagpapatunay na ang kanilang anak ay nasa edad na 12 hanggang 17.
Sa non-Taguig residents, kailangang i-upload ang document o ID at address ng eskwelahan kung nag-aaral sa Taguig City.
Maliban sa economic benefits, makatutulong din ang profiling
bilang paghahanda sa sandaling umarangakada ang bakunahan sa naturang age group at payagan na muli ang face to face classes.