
Posibleng makaranas ng heavy traffic sa East Service Road ng Barangay Western Bicutan sa Taguig City ngayong araw.
Ito ay dahil sa isasagawang groundbreaking ceremony ng Taguig City Integrated Terminal Exchange (TCITX) sa Arca South.
Aasahan ang mabigat na daloy ng trapiko mula alas-8:00 ng umaga hanggang ala-1:00 ng hapon.
Pinapayuhan ang mga motorista na gumamit ng skyway at iba pang alternatibong ruta para makaiwas sa traffic.
Facebook Comments