PHIVOLCS, nagbigay-linaw sa viral post ukol sa nakunang liwanag sa Bulkang Kanlaon

COURTESY: PHIVOLCS Kanlaon Volcano Observatory

Hindi crater glow kundi isang super-heated plume ng ash emission ang nakunang liwanag sa bunganga ng bulkang kanlaon kahapon ng madaling araw.

Ito ang nilinaw ni PHIVOLCS – Volcanic Monitoring and Eruption Prediction Division Chief Ma. Antonia Bornas makaraang ilarawan bilang crater glow ng nature photographer na si John Kimwell Laluma ang mga nakunan niyang liwanag sa bunganga ng bulkan.

Ayon kay Bornas, Nobyembre pa nila nao-obserbahan ang super-heated plume na resulta ng pagbubuga ng abo.


Nade-detect lamang ito ng mga camera ngayon dahil sa kanilang infrared capabilities.

Habang ang crater glow o ‘banaag’ ay nangyayari kapag ang magma ay malapit na sa bunganga ng bulkan at lumiliwanag ang atmosphere sa ibabaw nito dahil sa mainit na volcanic gasses.

Indikasyon ito na magkakaroon na ng lava flow o lava fountaining event.

Kahapon, ilang beses na nagbuga ng abo ang Bulkang Kanlaon.

Nananatili ito sa Alert Level 3.

Facebook Comments