Naghatid ng relief goods ang mga kawani ng pamahalaang lokal ng Taguig City ngayong umaga sa mga residente ng Bay Breeze na binaha dulot ng bagyong Ulysses.
Laman ng food packs ay bigas, canned goods, noodles, kape, cereal, gatas, mineral water, face mask alcohol at hygiene supplies.
Ayon kay Mayor Lino Cayetano, tatagal ang nasabing relief goods ng limang araw.
Pinangunahan ng Taguig City Social Welfare and Development Office (TCSWD), Barangay Affairs Office at Mayor’s Action Team ang pamamahagi ng tulong.
Ikinatuwa naman ng alkalde na maliban sa mga residenteng binaha, walang naitalang casualty at nasaktan sa lungsod.
Matatandaang ilang lugar din sa lungsod ng Taguig ang binaha dahil sa tuluy-tuloy na pag-ulang dala ng bagyong Ulysses.
Facebook Comments