DOTr Secretary Tugade, binisita ngayong araw sa Cagayan at Isabela

112

Bumisita ngayong araw si Secretary Arthur Tugade sa lalawigan ng Cagayan at Isabela upang personal na inspeksyunin ang kalagayan ng mga nasalanta ng Bagyong Ulysses.

Ito ay upang maghatid ng karagdagang tulong mula sa gobyerno.


Noong nakaraang araw, ipinag-utos ni Tugade na paigtingin ng Philippine Coast guard (PCG) ang kanilang ginagawang rescue operation.

Personal naman na pinasalamatan ni Tugade ang mga miyembro ng PCG at Philippine Army dahil sa kanilang walang patid na pagtulong at serbisyo sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses sa nasabing lalawigan.

Kasama ni Tugade na nagtungo ngayon araw sa Cagayan at Isabela si Labor Secretary Silvestre Bello III.

Facebook Comments