Taguig LGU, patuloy na nagkakaloob ng libreng COVID-19 test

Patuloy na nagkakaloob ng PCR COVID-19 test mula Lunes hanggang Biyernes ang Taguig City Epidemiology and Disease Surveillance Unit o CEDSU at mga Barangay Health Centers.

Bukod dito ay may libreng drive-thru testing tuwing Miyerkoles sa Bonifacio Global City at tuwing Biyernes naman sa Lakeshore.

Inilunsad din ng lokal na pamahalaan ang Park ‘n Test tuwing Lunes sa Vista Mall Parking Building kung saan maaaring magdala ng sasakyan at mag-park.


Doon sila ay aasistehan ng mga healthcare workers para magpa-test nang libre sa mga itinayong tent kung saan isinasagawa ang swabbing.

Mayroon ding Mobile Testing Truck na lumilibot sa iba’t ibang lugar sa lungsod.

Layunin ng pinag-ibayong libreng PCR testing na matukoy agad ang mga positibo sa virus at agad silang mai-quarantine bilang bahagi ng hakbang ng Taguig Local Government na labanan ang pagkalat ng COVID-19.

Facebook Comments