35% ng target population sa Parañaque, fully-vaccinated na

Sisikapin ng lokal na pamahalaan ng Parañaque na makamit ang population protection bago matapos ang taon.

Ito ay kasunod na rin ng pagkamit ng Parañaque sa 35% ng target population na fully-vaccinated na.

Ayon kay Mayor Edwin Olivarez, umabot na sa 220,000 ang nabakunahan ng first dose habang 130,000 naman ang nabigyan na ng second dose.


Ito pa rin ay depende pa rin sa dating ng supply ng bakuna.

Magkagayunman, umaasa pa rin si Olivarez na mabibigyan ng masayang Pasko ang mga taga-Metro Manila na siyang epicenter ng COVID-19.

Facebook Comments