Taguig LGU, patuloy na nagkakaloob ng libreng teleconsultation

Hinihikayat ng Lungsod ng Taguig ang mga Taguigeño na gamitin ang libreng telemedicine consultation ng Taguig-Pateros District Hospital (TPDH).

Mainam itong paraan upang ipaalam sa mga doktor at medical workers ang karamdaman ng mga Taguigeño sa pamamagitan ng text, tawag o video call.

Maaaring magpa-schedule ng appointment mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-11:00 ng umaga araw-araw at magpakonsulta sa telemedicine mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.


Naka-post sa official Facebook page ng Taguig ang mga numero na maaring i-text para magpakonsulta sa pediatrician, internal medicine doctors, OB-Gyne at surgery.

Facebook Comments