Taguig, nagtalaga ng pansamantalang pasilidad para sa COVID-19 patients at frontline workers

Inihayag ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Taguig na nagtalaga sila ng apat na building upang gawing pansamatalang matutuluyan ng mga frontliner at mga pasyente ng Coronavirus Diseases 2019 o COVID-19.

Tinukoy ni Mayor Lino Cayetano ang gusali ng Person with Disability o PWD Center, na gagawing tuluyan ng mga COVID positive.

Ang bagong tayong gusali sa Katwiran Ibayo, Tipas anya ay tatanggap naman ng Persons Under Investigation o PUI.


Ilalagay naman anya ang Persons Under Monitoring o PUM sa Lakeshore na nasa loob ng Technological University of the Philippines (TUP) Taguig.

Maliban sa PUM, tatanggap din ito ng mga tao na nagtravel abroad, kasama na ang mga OFW na kailangan sumailalim sa 14 days quarantine.

Gagawing pansamantalang matutuluyan naman ang Hagonoy Sports Complex ng mga pulis, miyembro ng Bureau of Fire Protection at iba pang mga frontliner.

Dagdag ng Alkalde bibigayan din sila ng mga pagkain, hygiene kits at stinelas, at lalagayan din ang mga gusali ng internet connection.

Facebook Comments