TAGUMPAY ANG BATAS | Utos na pupuwersa sa SolGen na isumite ang Manual of Operation ng PNP sa war on drugs, ikinatuwa ng grupo ng mga abugado

Manila, Philippines – Ikinagalak ng Center for International Law Philippines o CENTER LAW ang kautusan ng Korte Suprema na nagbibigay taning sa tanggapan ng Solicitor General upang isumite ang listahan ng resulta ng operasyon ng PNP sa war on drugs ng pamahalaan.

Ayon kay Program Officer ng Center for International Law Philippines Aileen Garcia, namayani ang Rule of Law sa naging desisyon ng Korte Suprema para mapanagot ang mga maysala o mga umaabuso sa Tokhang Operation ng PNP na ikinamatay ng libu-libong pinaghihinalaang sangkot sa iligal na droga.

Paliwanag ni Garcia, ginagampanan aniya ng Kataas-Taasang Hukuman ang kanilang bilang huling sandalan ng katarungan sa bansa kaya nagtagumpay ang batas.


Naniniwala ang grupo ng mga abogado na sa pamamagitan ng kautusan, lahat ng impormasyon na makakalap mula sa mga dokumentong isusumite ng PNP na kinakatawan ng SOLGEN ay makatutulong hindi lamang sa mga kapamilya ng Extra-Judicial Killings kundi maging ng mga otoridad para makasuhan ang mga responsable sa mga patayan.

Facebook Comments