Municipal kagawad ng Magpet sa North Cotabato patay ng tambangan ,2 kasamahan sugatan

Patay sa pamamaril ang Indigenous People’s Mandatory Representative o IPMR ng Sangguniang Bayan ng Magpet sa North Cotabato habang sugatan ang dalawa nitong kasamahan dakong alas singko ng hapon kahapon. Nangyari ang pamamaril sa harap ng isang paaralan sa Barangay Tagbac, Magpet, North Cotabato dakong alas-5:00 kahapon ng hapon.
Sa panayam ng DXMY Rmn Cotabato kay PSupt Bernard Tayong , tagapagsalita ng CCPO kanyang kinilala ang nasawi na si Antonio Panday Takinan, 50-anyos at residente ng Sitio Tawan, Brgy. Tagbac Magpet.
Dalawa sa kasamahan ng biktima ang sugatan na naisugod sa pagamutan sa Kidapawan City na kinilalang sina Rene Soriano, 50-anyos, may asawa , isang CVO at si Robello Tambunan, 62-anyos. Sakay ng motorsiklo ang tatlong mga biktima pauwi ng kanilang lugar ng silay pagbabarilin ng mga armado. Narekober sa crime scene ang 27 basyo ng bala mula sa kalibre 45 at 9mm pistola .(Amer Sinsuat)

Facebook Comments