Iginiit ng Malakanyang na maaga pa para sabihing matagumpay na ang laban ng Pilipinas kontra COVID-19.
Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, kahit pa nakikita na ang pagbaba ng healthcare utilization rate at aktibong kaso ng COVID-19 at iba pang metrics na sinusundan ng pamahalaan ay maaga pa para sabihin ito.
Dagdag pa ni Nograles na ito ang dahilan kung bakit wala pa sa radar ng pamahalaan na tanggalin na ang alert level system dahil ngayon palang tumataas ang vaccination rate sa ilang mga lugar sa bansa.
Sa ngayon, bagama’t nasa moderate risk classification na ang National Capital Region (NCR), Region 4A, at Region 3, ay hindi pa rin dapat makampante ang publiko at kailangan pa ring sumunod sa mimimum public health standards.